(I am doing this as requested by my friend in order to help things change... for the better)
Marami ang nangyari sa akin in these past months. May mga magaganda pero aaminin ko na mas marami ang hindi maganda. Marahil para sa ilan ay iniisip na kailangan ng kalimutan at pabayaan na lang. Pero sa tingin ko, para magkaroon ako ng tinatawag nilang “closure” ay dapat sabihin ko na ang side ko out in the open. Bahala na ang mga taong gustong maghusga.
Actually, simple lang naman talaga ang nangyari. Parang maliit lang na alitan or tampuhan kung yan ang gustong mong isipin. Pero dahil hindi ito napagusapan ng mga taong dapat ay involved lamang, naging super issue na sa lahat to the point na marami na ang nagsalita at naapektuhan. Kaya nga tinawag ko itong “domino effect”.
Para sa taong nagkaroon ako ng alitan before: alam mo?? Super babaw lang talaga ng dahilan. Kung iintindihin mo pa lalo ung situation, wala kang pagkakamaling nagawa. Ako ang nagkaroon ng doubts sa atin dalawa kaya minabuti kong hindi ka kausapin. Ang hindi ka pansinin ang naging defense mechanism ko dahil di ko maintindihan bakit tayo ganito. Ang mali ko lamang ay hindi kita kinausap at naging tapat sa mga problema ko. Hinintay ko na ikaw ang lumapit at magtanong kung may problema ba tayo? Dahil walang nangyari sa aking paghihintay, hindi ko namalayan na galit na pala ang feelings mo sa akin. Hindi mo rin daw kasi maintindihan bakit ganun kilos ko. Ung galit mo daw ay tumindi to the point na kailangan mo daw ng “outlet” para hindi mo ibuhos sa akin iyon (tama ba??)… Simpleng bagay lang…….. lumala pa….naging big deal hindi lang sa ating dalawa kundi pati na rin sa mga kaibigan mo. Maraming comment.. maraming galit… maraming reaction… Nabuo tuloy ang isang issue na naging mahirap ayusin. Pati mga kaibigan ko naapektuhan na. Dito ko lang sasabihin pero nagbigay na ako ng resignation. Ito kasi ang nakita kong solution that time. Naisip ko na kung aalis ako, matatapos na ang gulo sa ating lahat. May nagbigay lang ng advice na hindi maganda ang paraan na iyon kaya siguro ito ang reason bakit kasama ko pa rin kayo sa trabaho ngayon. Sobrang gulo ng isip ko that time. Feeling ko lahat nagalit dahil of all people ikaw pa ang nakaaway ko. Hindi mo siguro alam kung gaano ako affected. Never pa ako umiyak ng todo sa isang tao kung hindi lang sayo.. Hay naku.. simple lang talaga kasi ang lahat. Hindi ko alam bakit nagkaganito. Sana… nagusap na lang tayo. Sana hindi natin hinayaan na kailanganin mo pa ng “outlet” at inaayos na lang natin dalawa lahat. Di ba?? Ang tagal na rin natin nagkasama… I was hoping na by that time, close na tayo at kaya na natin ayusin ang mga dapat ayusin. Siguro nagexpect ako ng marami sayo at humihingi ako ng sorry ngayon dahil iba ang inisip ko sayo. Pero sa tingin ko, OK na tayo ngayon diba?? Naguusap na tayo… marahil hindi na mababalik yung datipero at least nagtry tayo ulit. Please lang ha? Hindi ko sinasabi lahat ito ngayon dahil may galit pa ako or something. Ngayon ko lang kasi nakayanan na sabihin ito. Pero past is past na ha? Nageexplain lang naman ako ngayon. No harsh feelings involved.
Sa mga taong nagreact sa naging alitan namin:these are only my thoughts ha? Bahala na kung sino tatamaan niyan.. SANA.. hinayaan niyo na lang kami na iresolve ang conflict naming dalawa. Masyado kasing naging personal na sa inyo eh. On the first place hindi dapat personal yun sa inyo kasi hindi kayo ang involved dun sa conflict. Alam ko na friend niyo un. Pero iba kasi ang concern sa friend at nakikialam sa away ng friend. Feeling ko kasi nagjudge na kayo dun eh. Kahit ano pa sabihin niyo, wala kayong right dahil hindi niyo alam kung ano talaga ang nangyari between us.Away namin dalawa un… kaya kaming dalawa lang dapat ang involved dun. Kami lang dalawa ang may alam sa situation. So napakaunfair kung magbibigay kayo ng comments. Oo, sa tingin niyo napakasama kong tao. Nandun na ako na gusto niyo protect at ipaglaban friend niyo. Pero wala kasing magandang nadulot yan. Dahil sa mga comments niyo na walang basehan, lalo tuloy gumulo ang lahat! Sabagay, hindi kasi kayo ang nahirapan dun eh, kami lang naman dalawa. So, kung sa tingin niyo ay natulungan niyo nga ung friend niyo, magisip kayong mabuti. Wala rin kwenta efforts niyo. You just added insults to the injury. May nalalaman pa kayong kausapin si Aila regarding sa comments niyo. If you are really concern, as you are saying so, bakit hindi mo ako harapin at sabihin sa akin lahat ng ayaw mo na ginawa ko sa friend mo? Bakit ayaw mo pang malaman ko kung sino ka?? Alam mo ba na ikaw lang naman ang reason bakit nagaway kami ni aila? She is willing to sacrifice our friendship just to protect you. I mean… wow! You must be some kind of person that she dropped me as her friend just to conceal your identity. So… tanong mo sa sarili mo, sa ginawa mo?? Nakatulong ka ba?? You know talaga, sometimes on these situations; the best help you can offer is just keeping your mouth shut. Sorry but this is true. Iba kasi talaga ung place of work natin diba? Hindi pwede wala kang maibigay na comment! Super machika na sa lahat ng area, sometimes nagiging mapanghusga pa… wala naman silang alam niyan sa totoong nagyari pero kung makareact, hay naku naman!!
Kay Aila: Salamat sa friendship. Salamat na kahit papaano ay iniintindi mo pa rin situation ko. Im sorry nagkaroon lang tayo ng tampuhan pero I believe na explain ko na sayo ung reason bakit lahat nangyari yon. Kalian man, hindi ako nagalit sa intentions mo dahil alam ko you’re trying in your way to somehow help me. Pero honestly, hindi ko pa rin makita ang reason kung bakit ayaw mo sabihin ung tinatanong ko sayo. Sometimes, naiinis pa rin ako dahil dun. From the start pa lang alam mo na lahat feelings ko.. alam mo fears and hesitations ko. Sana lang, nung time na hindi kita nagreet or pinansin, as you said, nagusap na sana tayo nun. Aminin mo man or hindi alam kong naisip mo that time na tama nga ung mga comments nila sa akin. Kaya siguro nainis ka that time. Pero kung nagusap lang tayo nun? I bet hindi naapektuhan relationship natin. Sana, im really hoping na kapag naulit ang ganitong situation, alam na talaga natin ang gagawin natin. Tutual matatanda na tayo girl, dapat nga mature way na natin ihandle ang things diba? Dapat talaga na ung mga taong involved lang ang naguusap at huwag pakinggan at paniwalaan ang mga naririnig sa iba.
Kay Jeffoi, Ding, Rose, Mommy Do, and Mommy Jessa: Salamat sa lahat.. salamat na kahit papaano ay naintindihan niyo situationko.. Salamat sa mga advices… na kahit nagbibigay kayo ng advice, alam niyo kung kailan hindi dapat makialam sa situation. Kayo ang naging strength ko para makapasok ako sa work and continue doing things what I think is right at that moment. Salamat at hindi niyo ako hinusgahan. Super malaki ang naitulong nun sa life ko. Alam niyo un? It made me realize that if God takes away something special in your life, He doesn’t take everything… He leaves special people to guide you and remind you that any problems can be surpassed as long as you pray and believe in HIM. Ganyan tayo kamahal ni Lord. Sana po, if ever, may ganito tayong naging problem, sabihin niyo ha?? Kasi hindi ko yata kaya if kayo (na naging strength ko) ang nakaalitan ko. Please…..??
Sa mga taong kaalitan ko pa rin ngayon:sana magkaroon tayo ng chance para makapag-usap.. open forum tayo. Para malaman ko kung ano ang ayaw mo sa akin at babaguhin ko. Para malaman mo rin sana kung anong explanation ko bakit ganun ang nangyari. Hindi ko hawak ang decisions mo on things. Pero, sana sa tagal na nating nagkasama, naisip mo na baka may reason behind everything. Im sorry if you got hurt.. I did too and I think I still feel some pain especially when I see you. Hay… kung alam mo lang..
Take note: since I heard po na ayaw niyo talaga ugali ko, I’m willing naman po to change. Kaya nga kahit na hindi niyo masyadong nakikita, I’m doing things po to reach out and change perceptions regarding me. Kaya po sana if na offend ko kayo, please me tell me kaagad para maiwasan ang mga gulo. May mga friends nagsuggest kung anong dapat gawin pero parang hindi nila nakikita how hard these things for me. Hindi po ako ideal. Hindi po ako perfectionist. I also don’t expect a lot from other people. Hindi ko lang po talaga alam kung tama na ba sa paningin niyo ang mga ginagawa ko. Kaya I do often asks questions. Im also not trying to tell that I’m right about everything and that people should change because this is my personality. I’m just asking, even begging that you guys somehow understand that this is the way I am. THIS IS ME… I don’t know when I offend people with my actions or words, I don’t know when I take people for granted. Please understand that I am weird… different… crazy! And I know this is wrong that’s why I need your help and tell me when or what I need to change. I’m difficult to deal with, I totally admit that so please,, kahit konti lang po, I ask you to bear with me.. masama po ba un?
All these things I’m doing right now, super effort na ako niyan. Sa totoo lang po, mahirap ito para sa akin. Pero dahil gusto ko rin maayos ang lahat, open po ako to everything you say of me. Lahat po ng ask niyo na baguhin ko, just tell me and we’ll try to work it out.. I’m changing na po.. I’m trying na palitan ang image na “tintin” na nabuo sa nangyari. This is the new me. Pero siguro I should not overwhelm and rush things. Gagawin ko po lahat para baguhin ang perception niyo sa akin. Pero I will do it on my own pace and on my own way. Diskarte ko na po sana iyon. So I hope you all will be patient.
Sinasabi ko po lahat ito ngayon hindi dahil gustong kong maungkat ang mga problema. Kailangan ko kasing gawin ito para makapagmove-on na tayong lahat. Kasi kahit parang hindi na napaguusapan, kapag may nangyari ulit nga instances, parang nagrerefer back sa issue na ito. Kailangan ko pong magexplain. Wala po akong intention na makipagaway or manira ng ibang tao. Gusto ko lang po sana matapos na lahat dahil nahihirapan po talaga ako. Parati na lang kasi yan ang topic kapag nakikita na iba na naman ang mood ko. Nakakalungkot… kaya sana kapag ginawa ko ito, ay may mabuting maidulot sa ating lahat.
sometimes... knowing my fave quotes tells somethings about me...
---- "Have you ever been in love? Horrible isn't it? It makes you so vulnerable. It opens your chest and it opens up your heart and it means that someone can get inside you and mess you up. You build up all these defenses, you build up a whole suit of armor, so that nothing can hurt you, then one stupid person, no different from any other stupid person, wanders into your stupid life... You give them a piece of you. They didn't ask for it. They did something dumb one day, like kiss you or smile at you, and then your life isn't your own anymore. Love takes hostages. It gets inside you. It eats you out and leaves you crying in the darkness, so simple a phrase like 'maybe we should be just friends' turns into a glass splinter working its way into your heart. It hurts. Not just in the imagination. Not just in the mind. It's a soul-hurt, a real gets-inside-you-and-rips-you-apart pain. I hate love." - Rose Walker, Neil Gaiman's The Sandman